NAGBABALA sa publiko ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa pag-
iinvest sa tatlong kumpanya na walang permiso na mangalap ng investment.
Sa mga paalala nito sa kanilang website, sinabi ng SEC na walang anumang permiso na
magbenta o mag-alok ng securities sa publiko ang Centuros Finance Group II. Moo Farm, at
Ayn E-Commerce.
Ang Centuros diumano ay humihikayat sa publiko na mag-invest online sa tatlong programa
nito: Alpha, Bravo, and Charlie, na nangangako nang kita mula 80-160 percent.
“Centuros likewise offers a referral bonus equivalent to 5% of the investment received by
the entity from the referrals made by its members. Based on the entity’s representation, the
purported source of the guaranteed income offered by the entity to the public comes from its
cryptocurrency trading activities allegedly using binance as its platform,” ayon sa SEC.
Ang pagbibenta ng securities ng Centuros ay tuwirang paglabag sa Sections 8, 26 at 28 ng
Securities Regulation Code, dagdag pa ng SEC.
Ang Moo Farm diumano, ay nangungumbinsi sa publiko na mag-invest sa isang platform na
may walong lebel – na may minimum na investment na mula P300 (Cow 1 basic plan)
hanggang P50,000 (Cow 8 master plan), na may ipinangakong arawang kita mula P100 –
P50,000.
Iginigisa raw sa sariling mantika ang system ng Moo Farm, gaya ng Ponzi Scheme na
kung saan ang pera ng bagong investor ang ibinabayad na tubo o income sa mga dating
investors.
Para sa Ayn E-Commerce ay nag-aalok ng arawang tubo mula P1,000 – P5,000 sa
pamamagitan nang 10-15 minutong paggamit ng kanilang platform.
Ayon sa SEC, ang sistema nang investment ng Ayn E-Commerce ay kahalintulad ng sa
scammers na gumagamit nang kasinungalingan para makapangako, pati na rin mga
mapanlinlang na testimonya mula sa mga diumano’y pekeng investors para makahikayat ng
maraming mamumuhunan.