33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Estudyante sa Cebu, kasama ni VP Sara sa Korea

SUMAMA kay Vice President and Education Secretary Sara Duterte ang isang siyam-na-
taong gulang na estudyante mula sa Cebu sa Global Education and Innovation Summit sa
Seoul, South Korea nitong Huwebes.


Si Kester, isang mag-aaral na Grade 3 sa Tito Melecio Elementary School, Danao City, Cebu,
ang ikatlong kasali sa proyektong You Can be VP (YCB-VP) ng Office of the Vice President.
Naobserbahan at naranasan ni Kester kung paano maging pangalawang Pangulo ng bansa.


Ang proyektong YCB-VP ay naglalayung bigyan nang pagkakataon na masaksihan ng isang
batang estudyante ang aktuwal na trabaho ng pangalawang Pangulo, at makasama siya sa
opisyal na mga biyahe nito.


Ang bawat kasali sa programa ay kinakailangang may kahangahangang rekord sa paaralan,
maging mahusay sa klase, at may pagnanais na tapusin ang kaniyang pag-aaral para matupad
ang kanyang pangarap.

BASAHIN  VP Duterte, pinuri ang NBDB


Hinihikayat din ng proyekto ang mga mag-aaral na mangarap at pagyamanin ang kanilang
kakayahan bilang isang lider.


Inilunsad ang YCB-VP nitong 2022. Si Trix, isang Grade 9 student mula sa Dinalupihan,
Bataan ang unang kasali. Sumama siya kay Inday Sara sa kanyang unang byahe sa ibang
bansa. Ito ay nang dumalo siya sa state funeral ng namayapang si dating Prime Minister
Shinzo Abe ng Japan. Kasama rin si Trix nang bumisita si Duterte sa Shibahama Elementary
School.


Noong Hunyo 2022, pinakaunang sumama kay Inday Sara si Naomi, isang Grade 8 student
mula sa Bacolod City sa pagdalo sa SEAMEO activities sa Brunei at Singapore.


Bukod sa pagsama kay Duterte sa South Korea, naging isa sa mga panauhing tagapagsalita si
Kester sa GEIS. Kasama rin siya nang nakipagpulong si Duterte sa matataas na opisyal ng
Republic of Korea, pati na rin sa Filipino community sa bansang ito.

BASAHIN  Tom-Carla Abellana divorce, tiyak na?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA