33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Zubiri, pinagsabihan ang China na itigil na ang paninira sa WPS

PINAGSABIHAN ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Chinese embassy sa bansa na
paalalahanan ang kanilang militia vessels na itigil na ang paninira sa bahagi ng West Philippine
Sea (WPS).


Idiniin ni Zubiri na patuloy na sinisira ng China milita vessels ang food security at kinabukasan
ng mga Pilipino, sakaling tuluya nang maubos ang ating coral reefs sa Escoda (Sabina) Shoal.


Ayon sa BraboNews research, umaabot lang nang mula 0.3 – 2 centimeters bawat taon ang
paglago ng massive corals, at 10 cm. bawat taon para sa sanga-sangang corals. Aabutin
nang 10,000 taon para ang coral reef ay lumaki at lumawak nang husto.


Samantala, sinabi ni Zubiri na hindi lang mga Pilipino ang nakikinabang sa yamang-dagat na
nakukuha sa WPS, kunding maging mga Tsino, Malaysian at Vietnamese, kaya dapat daw
pangalagaan ang ating coral reefs.

BASAHIN  Fingerprint ng mga kriminal, bistado na ng PNP gamit ang makabagong e-Booking system


“So it is for the good of the world if our coral reefs are protected. That’s why I’m really very
mad,” aniya.


Dahil dito, dapat daw dagdagan ang pondo ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine
Navy (PN0 para sa 2024 para mapalakas ang ating pwersang-dagat.


Suspetsa ni Zubiri na balak gumawa nang reklamasyon ang China sa mga lugar ng Sabina
Shoal na sinira ang seabed.


Samantala sinabi ni Senador Francis Tolentino na ang ating coral reefs ang nagsisilbing
proteksyon sa ating dalampasigan mula sa bagyo, tsunami, at wave erosion.


Dahil daw sa pagkawala nang coral reefs, malalagay sa panganib ang mga komunidad na nasa
bayabaying dagat. Kinumpirma ito ni DoST Secretary Renato Solidum.

BASAHIN  Speaker Romualdez ang nagpopondo ng PI — Imee; SP Zubiri, ‘toxic’? — Romualdez

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA