33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Kathryn: Tila panaginip lamang ang best actress award sa SDA

PERSONAL na tinanggap nitong Huwebes, ni Kathryn Bernardo ang kanyang Outstanding
Asian Star trophy sa awarding ceremonies ng Seoul International Drama Awards (SDA) 2023
sa South Korea.


Sinabi ng Kapamilya aktres sa kanyang acceptance speech na labis daw nasiyahan ang aktres
sa award at pakiramdam niya, tila ito ay isang panaginip lamang.


Lutang na lutang ang pagganap ni Kahryn bilang nurse Ali sa primetime series ng ABS-CBN na
2 Good 2 Be True.


Paliwanag pa niya, “When I initially found out about the nomination and recognition for my craft
by such an esteemed award-giving body, that in itself is already a win for me… I feel
overwhelmed and it still feels surreal.”

BASAHIN  18 Pinoys, 1 Madre, malabong umalis sa Gaza


Pinasalamatan ni Kathryn ang kanyang mahusay na co-actors sina Daniel Padilla at Ronaldo
Valdez, Direk Mae Cruz-Alviar at Direk Paco Sta. Maria, ang writers na pinangunahan ni
Ninang Mel, at lahat ng kasama sa team ng bumubuo ng 2 Good 2 Be True.


Dahil sa pagganap ni Kathryn bilang nurse sa serye, nagbukas ito nang daan para
mapahalagahan niya ang pagsasakripisyo at kadakilaan ng Filipino health care workers, na
tinawag niyang world-class.


“Hindi lang ito ang pagshi-share ng isang love story sa ating mga manonood, kundi pati na rin
ang pagpapalawak nang kaalaman sa mga hamon nang Alzheimer’s disease, na maipaalam
natin ang pakikipagpunyagi ng mga taong maysakit nito, pati na ang suportang kailangang nila,
lalo na sa kapamilya,” paglilinaw ni Kathryn sa wikang English.

BASAHIN  It’s showtime, umapela sa palasyo?Enrile, Haharangin ang Apela?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA