SINABI ni Senate Deputy Majority Leader Joseph Victor “JV” Ejercito nitong Huwebes na ang
mga mag-asawa na hindi na masaya sa kanilang pagsasama ay dapag bigyan nang
panibagong simula.
Ipinaliwanag ni JV kung bakit pabor siya sa Committee Report 124, na pumapabor sa pag-
aproba nang Senate Bill No. 2443 (SB 2443) o ang Dissolution of Marriage Act.
“Mayroong pagsasama na hindi na pwedeng ayusin, ayaw naming maging miserable ang
buhay nila… Kung hindi na ito masosolusyunan, dapat natin silang bigyan nang ikalawang
pagkakataon (para makapag-asawa)”, ayon kay Ejercito sa wikang English.
Nilinaw niya na kaya niya nilagdaan ang committee report para magkaroon nang pagkakataon
na mapag-diskusyunan ito sa plenaryo.
Samantala, hindi raw pabor si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa divorce bill.
“Divorce is a big no for me! (But) Yes, to making annulment accessible to the poor,” saad ni
Villanueva.
Idiniin pa niya na siyam na senador lamang ang lumagda sa committee report, at hindi nila
kinakatawan ang majority o karamihan sa mga senador. Kaya lang daw sila lumagda para
mapag-usapan ito sa plenaryo.
Ang Committee Report 124 ay inihanda ni Senator Risa Hontiveros, chair ng Senate
Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.