33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Catholic priest na matulis, umalma sa pagsibak sa kanya

TILA pinalalabas ng dating paring Katoliko na si Pio Cultura Acion na sinungalingang diumano ang
CBCP pati na rin si Bishop Crispin Varquez ng Borongan Diocese, nang tanggalin siya sa pagka-
pari dahil sa kasong sexual abuse sa mga menor de edad.


“You (have) announce(d) this Bishop Crispin Varquez and the Diocese of Borongan, now where is
the letter of Pope Francis? I (will) give you 10 days to provide us the letter,” may kayabangan
paghahamon ni Aclon.


Lumikha nang malaking eskandalo hindi lamang sa komunidad kundi sa simbahang Katolika ang
diumano’y kahalayan na ginawa ni Acion sa ilang minors.


Resbak nang tinanggal na pari: “The same thing we ask (you) to provide us the 1951 Vatican
Decree issued against the Lipa Apparition. You may send it to my legal counsel, Justice Harriet
Demetriou, I REPEAT SEND THE LETTER OF POPE FRANCIS TO MY LAWYER.”

BASAHIN  Disbarment vs Locsin, inihain ng Muslim group


Samantala, ayon sa CBCP o Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, inianunsiyo ng
Diocese of Borongan (Eastern Samar) kamakalawa ang desisyon ni Pope Francis na sibakin na sa
pwesto si Acion.


Paulit-ulit namang humingi ng paumanhin si Pope Francis hinggil sa mga pag-abusong
kinasangkutan ng mga pari, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa maraming lugar sa buong mundo.
Matatandaang tinanggal noong 2021 ang isang paring Katoliko sa Pampanga dahil sa kasong
pakikiapid sa babaing may-asawa.


Ayon kay Archbishop Florentino Lavarias ng San Fernando Archdiocese, dahil daw sa sensitibo
ang usapin, tinanggal muna sa pwesto ang naturang pari sa parokya kung saan ito nakadestino.
Sinabi ng ilang observers noong 2021 na diumano, pinagtatakpan ang kaso ng pari dahil hindi ito
pinangalanan, na nagbigay-daan sana para mabuksan ang iba pang reklamo laban sa pari, kung
meron man.

BASAHIN  Bigatan ang parusa vs power issues - Gatchalian

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA