33.4 C
Manila
Tuesday, June 24, 2025

34 TODA-Embo susuporta na sa Taguig

Nanumpa kahapon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano ang 34 na lider ng Tricycle Operators and Drivers’ Associations (TODAs) ng 10 Embo Barangays na dating nasa Makati City.

Naganap ang courtesy call noong Lunes bilang paggalang at pagbibigay suporta ng mga bagong opisyal at miyembro ng EMBO Tricycle Taguig Federation (EMTRITAGFED).

Ayon kay Mayor Cayetano, handa ang Taguig City government na suportahan ang lahat ng namamasadang tricycle dahil alam nito ang hirap ng pamamasada Toda at nakahanda naman sila na  pakingggan ang anumang hinaing at pangangailangan para magkaroon ng maayos na samahan.

Ayon kay Mayor Lani kinikilala ng Taguig ang kahalagahan ng transport sector dahil bahagi sila ng Taguig Community at nais ng mayora na ipadama sa kanila ang  Transformative, Lively at Caring City ng Taguig.

BASAHIN  Inutil na mga opisyal ng MWSS kalusin

Giit pa ng alkalde na malaki ang maitutulong ng transport sector sa pag-unlad ng Taguig

Patuloy na mamamasada ang mga  TODA mula sa 10 Embo Barangays at asahan na wala nang balakid pa sa kanilang  trabaho dahil malugod  na silang tinanggap ng Taguig LGU.

BASAHIN  Marilaque Highway bantay-sarado na sa PNP-HPG, LTO

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA