Lola instant doña sa Lotto

0
389

Donya na agad ang isang 60-anyos na lolang kumubra ng kanyang napanalunan na P22,896,342.80 sa pagtaya ng Lotto 6/42 jackpot sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Mandaluyong City.

Kuwento ng instant milyonarya, hindi niya akalain na mananalo ng jackpot ang kanyang matagal nang inaalagaang numero na mula pa umano sa kanyang numerong napanaginipan may 20-taon na ang nakaraan kaya mula noon hanggang ngayon ay alaga niya ang numero at tinatayaan.

Ang nanalong lola ay bumili ng lotto ticket sa isang lotto outlet sa Murphy, Barangay Socorro, Quezon City at masuwerteng nadale ang winning combination 34 – 35 – 24 – 20 – 36 – 39 ng Lotto 6/42 na may jackpot prize na P22,896,342.80.

BASAHIN  ‘Pag nasawata ang iligal na sugal, koleksyon ng PCSO tataas pa—Robles

Nang makita niya sa outlet ang resulta ng nanalong Lotto 6/42 ay parang huminto ang kanyang mundo at umanoy natulala at nagkulong muna sa kuwarto hanggang sa ikuwento na niya sa kanyang anak at makalipas ng dalawang araw noong August 5 ay agad na nila itong pinuntahan sa Mandaluyong office ng PCSO.

Kuwento pa ni Lola na suwerte siya ngayong 2023 dahil sa malaking halagang premyo nakuha at plano nitong magtayo ng negosyo at mamahagi na rin ng pera sa mga kaanak at makatulong sa mga nangangailangan.

Samantala, paalala ng pamunuan ng PCSO na ang mga hindi pa nakukuhang premyo ay maaaring ma-forfeit kapag hindi nakuha sa loob ng isang taon base na rin sa Republic Act No. 1169 naapupunta ang pondo sa PCSO Charity Fund.

BASAHIN  Aksyon mula sa bagong Agri Chief, kailangan

About Author