33.4 C
Manila
Saturday, December 21, 2024

Fire drill sa QC school, naging makatotohanan

“SUNOGGG!”
Kung ito raw ay isang eksena sa pelikula, baka nanalo na ito ng “best picture award” dahil sobrang makatotohanan, pahayag ng isang nakasaksi sa sunog.


Biglang sumiklab ang apoy sa isang bahagi ng paaralan, sa kasagsagan ng isang fire drill sa
Starland International School (SIS) sa 12th Ave., Barangay Socorro, Cubao, Quezon City, nitong
Sept. 15,


Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-9:00 ng umaga, nitong Biyernes,
napansin ng ilang estudyante – na bahagi ng isinasagawang fire drill – ang lumalakas na usok na
nagmumula sa stock room.


Dahil dito, mabilis na pinalabas ng mga guro ang 175 mga estudyante kasama ang ilang faculty
members. Kaagad naireport ng isang kawani ang insidente sa mga pamatay-sunog ng lungsod.

BASAHIN  Lalaki na most wanted sa Valenzuela City, arestado sa 'One time, big time' operation


Halos isang oras na nasunog ang paaralan, na ayon sa BFP ay isang dating lumang bahay na
ikinumberte sa iskwelahan. Umabot sa second alarm ang sunog at nakontrol ng alas 9:57 ng
umaga.


Kahit na mukhang naging makatotohanan ang fire drill, ayon sa BPF, wala namang nasaktan o
nasawi sa sunog.


Dahil sa mabilis na pagkilos ng mga guro at estudyante kahit na mayroong klase, agad silang
nailikas sa ligtas na lugar, ayon kay Sally de la Cruz, isang opisyal ng paaralan.


Sinabi ng BFP na dapat gumawa ng coordination ang paaralan sa kanilang tanggapan bago sila
nagsagawa ng fire drill. Wala naman daw kaukulang parusa ang hindi pakikipag-coordinate.

Hindi pa malinaw ang sanhi ng sunog pati na rin halaga ng mga natupok na pag-aari, ayon sa isang imbestigador ng BFP.

BASAHIN  ‘Most wanted,’  arestado sa manhunt ops sa Valenzuela

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA