NAKARANAS nang diskriminasyon kamakailan ang celebrity na si Matet de Leon, o Ma. Nora
Theresa Villamayor, adopted daughter ni Nora Aunor.
Ibinahagi ni Matet sa kanyang social media page ang nakahihiya niyang karanasan, habang
nakapila sa priority lane ng isang supermarket.
Ilang customer daw ang nagtitinginan sa kanya, na tila may paghamak. Isang babaeng mukhang
yayamanin daw ang kumalabit kay Matet at pinalipat siya ng lane, na labis niyang ikinahiya.
Ayon kay Matet, “I have bipolar disorder. I’m a PWD. Hindi ba halata? Kaya pala pinag-titinginan
ako kanina sa isang supermarket (habang nakapila sa PWD/Senior lane).”
Ayon sa World Health Organization, ang bipolar disorder (o manic-depressive psychosis) ay isang
sakit sa pag-iisip na nagdudulot nang mabilis na pagbabago sa mood, energy, at concentration ng
isang tao, na nagpapahirap sa isa na gawin maski ang karaniwang gawain sa araw-araw. Isa sa
walong tao o mahigit 970 milyon ang may bipolar disorder sa buong mundo.
Paglalahad pa ni Matet na hindi raw lahat ng may mental health issues ay nakikita sa panglabas na anyo ng isang tao. “Nasanay kasi sila na ang may mental illness, nagtutulo ng laway o nagsasalita mag-isa.”
Hindi raw ma-imagine ni Matet na darating ang araw na ipag-utos nang kinauukulan na kailangang isabit sa leeg ang PWD ID para ipaalam sa lahat ng tao na mayroon siyang bipolar disorder. “At sa mga kagaya ko, na kaya naman magtiis nang sandali, paunahin ang matatanda at yung talagang makikita ninyong hirap nang pumila. ‘Yun lang,” pagtatapos ni Matet.