33.4 C
Manila
Wednesday, March 26, 2025

Mananahi, 2 pa huli sa 15 gramo ng shabu sa Marikina

Nalambat ng mga tauhan ng Marikina Police ang isang mananahi at dalawang kasama nito sa ikinasang buy bust operation at makuhanan ng aabot sa P102,000 halaga ng shabu, kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Tumana, Marikina City.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Eastern Police  District (EPD) Director PBGen. Wilson Asueta, naaresto ang mga suspek na nakilala sa alyas na Mary Jane, 49-anyos, mananahi, alyas Toro, 49-anyos at alyas Allaine, 41- anyos, pawang mga kabilang sa listahan ng EPD’s Unified Drugs Watchlist.

Inaresto ang mga suspek bandang  12:20 kamakalawa ng madaling araw sa Brgy. Tumana, Marikina City matapos ang naganap na transaksyon sa pagbili ng droga.

BASAHIN  Marikina, bubuksan ang vax center para sa lahat ng sakit

Nakumpiska mula sa mga suspek ang nasa 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.00.

Kasalukuyang nakakulong ang tatlo sa Marikina detention cell habang inihahanda ang kasong kaugnay sa illegal na droga o R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)

BASAHIN  Ilang jeep sa Marikina City pinili na mamasada sa kabila ng transport strike

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA