SINABI ng Philippine National Police (PNP) na may kabuuang 4,082 mga pulis ang pinatawan ng
disiplina, kasali na ang pagkatanggal sa serbisyo, magmula Enero ng taong ito.
“This shows that our internal disciplinary mechanism is working,” ayon kay PCol. Jean Fajardo
tagapagasalita ng PNP.
Niliwanag ni Fajardo na pinarusahan ang mga nagkasalang pulis dahil sa mga kasong
administratibo na karaniwan o kaya’y seryosong paglabag. Kasama rito ang kidnapping, homicide,
robbery-extortion, paggamit nang ipinagbabawal na gamot, kabiguan na dumalo sa pagdinig sa
korte, at AWOL o absence without leave.
Ani Fajhardo, 935 na pulis ang na-dismiss, 242 ang naibaba ang ranggo o demoted, 1,850 ang
suspendido, 159 ang na-forfeit ang sweldo, 680 ang sinaway, 110 ang na-restrict, at 106 ang pinigil ang sweldo.
Idiniin pa ni Fajardo na pinagtutuunan nila nang pansin at dinidisiplina ang lahat ng mga lumalabag sa batas o Code of Conduct ng PNP, kahit daw ito’y simpleng paglabag lang o seryosong kaso na nagiging dahilan para sila’y suspindihin o alisin sa serbisyo.
“As it continues its mission to serve and to protect, the PNP aims to build a force that truly
exemplifies integrity, honor, and dedication,” ayon kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr.