33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Ayaw magsustentong ama, parurusahan – Tulfo

ISINUSULONG ng limang Kongresista sa pangunguna ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS
Party-list Rep. Erwin Tulfo nitong Martes, ang isang panukalang batas na magpaparusa sa mga
ama na kusang hindi magbibigay nang suportang pinansiyal sa kanilang anak.


Ang House Bill (HB) No. 8987 o An Act Punishing the Willful Failure to Pay Paternal Child Support
ay nai-file noong Agosto 30 nina Tulfo, ACT-CIS Party-list Reps. Jocelyn Tulfo at Edvic Yap,
Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo.


Sinabi ng mga awtor na ang kaparusahan sa pabayang ama ay nakasaad na sa Republic Act (RA)
No. 9262 o ang Anti-Violation Against Women and Children (Anti-VAWC) Act, partikular ang
economic abuse o ang hindi pagbibigay ng pinansiyal na suporta sa anak.


“Ang gusto natin dito ay protektahan ang kinabukasan ng mga bata. Dapat panagutan ng mga
magulang, lalo na ng mga tatay, ang kapakanan ng kanilang mga anak,” ayon kay Ewrin Tulfo.
Kapag ganap na naisabatas, may parusang anim hanggang 12 taong pagkakakulong o multang
mula sa P100,000 – P300,000, para sa mga amang sadyang ayaw magbigay nang pinansiyal na
suporta sa kanilang anak.

BASAHIN  Vice: ‘Mahalay’, ‘bastos’, ‘abusado’ - Enrile


“Dapat managot ang mga tatay na magiging pabaya at hindi magbibigay ng suporta sa kanilang
mga anak. Ang kanilang anak ay kanilang tungkulin kaya dapat na masiguro na maayos ang
pagpapalaki sa mga bata para sa kanilang kinabukasan (Irresponsible fathers must be held liable
for failure to support their children. Their children are their responsibility and that they must ensure raising them for their future),” ayon pa kay Tulfo.


Isinasaad ng HB No. 8987 na ang pinansiyal na suporta sa anak ay hindi dapat bababa sa 10
percent ng suweldo ng ama, pero hindi dapat bumaba sa P6,000 kada buwan o P200 bawat araw.

BASAHIN  90% korapsyon sa Pasig City winalis na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA