33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Road rage sa Valenzuela, suspek kinasuhan na

Sinampahan na ng kasong grave threat at alarm and scandal ang isang SUV driver na nag-viral sa road rage incident, na kung saan hindi palalagpasin ni  Mayor Wes Gatchalian ang anumang karahasan sa Valenzuela City kaya agad na pinaimbestigahan ang kaso at kinilala ang suspek.

Sa isang press conference na ginanap sa Assembly Hall of Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV), kinilala ni Mayor Wes Gatchalian at City Police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang suspek na si Marlon De Jesus Malabute, negosyante at may-ari ng SUV na may plakang NBB-3135.

Ayon sa report ng biktimang si Henry Ong, Jr. taxi driver matapos magkasagian ang kanilang sasakyan noong August 19, 2023 bandang 1:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Bignay Road, Brgy., Punturin at nagkaroon ng komosyon na kung saan pinagmumura, tinulak at tinutukan pa siya ng baril ng maangas na suspek.

Nabatid na nalaman lamang ng Valenzuela LGU ang insidente noong Setyembre 6 nang  mag-viral sa social media ang insidente mula sa post ni Atty. Raymond Fortun at ipinaalam na rin kay Mayor Gatchalian  ang pangyayari kaya agad na  nagsagawa ng imbestigasyon.

BASAHIN  530,000, Hinuli ng LTO noong 2023; 4-M Plastic driver’s license, gugulong na

Ayon sa hepe ng pulisya, mula sa tulong ng Land Transportation Office (LTO), nalaman ng pulisya na ang suspek ang pangatlong nagmamay-ari ng sasakyang SUV na nakarehistro sa ilalim ng unang may-ari nitong si Junelyn Butler ng Poblacion, Makati City, bago ito ibenta kay Ryan Cruz ng San Mateo, Rizal at ikatlong owner ang suspek.

 

Agad na natunton ng Valenzuela Police  ang tirahan ni Malabute sa Gagalangin, Tondo ngunit bigo silang maaresto ang suspek. Sinabi ni Destura na nakausap nila ang tiyuhin at kapatid ni Malabute na nangako sa kanila ng kooperasyon.

Samantala, sinabi naman ni Mayor Gatchalian sa mga may-ari ng baril na maging responsable dahil ang pagkakaroon ng lisensiya sa pagdadala ng mga baril ay isang pribilehiyo lamang para sa kanilang sariling proteksyon at huwag gamitin bilang armas panakot.

BASAHIN  Nartatez: ‘Di lahat ng PNP vehicles puwede sa EDSA bus lane

Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng manhunt investigation ang Valenzuela Police para mahanap ang suspek sa road rage

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA