UMAABOT na sa 50 kaso kada araw ang HIV (human immunodeficiency virus) infection sa bansa.
at marami sa bilang na ito ay nasa edad 15-18.
Labis na nababahala si Department of Health (DoH) Sec. Teodoro Herbosa sa bagong record na
ito, lalo na’t malaki sa bilang na ito ay mga kabataan.
Ayon pa kay Herbosa, mahigit doble ang itinaas ng bilang ng may HIV mula 22 noong 2022, sa 50
ngayong taon.
“What is more alarming is ang babata, 15, below 18 `yung mga new cases, getting as young as 15 na positive,” ayon kay Herbosa.
Kaya, agad inatasan ni Herbosa ang mga kawani ng DoH na i-focus ang kanilang pagsisikap na
maturuan ang mga kabataan sa panganib na idinudulot ng HIV sa buhay at kalusugan.
Ayon pa kay Herbosa, nitong Hulyo 2023, umabot na sa 1,256 ang naitalang bagong kaso ng HIV
infections sa bansa. Idinagdag pa niya na ang NCR, Calabarzon, at Central Luzon ang may
pinakamatataas na kaso ng HIV sa buong bansa.
Ayon sa DoH, nahahawa ang isa ng HIV dahil sa pakikipagtalik sa taong merong sakit na ito.
Nahahawa rin ang mga sanggol na ipinagbubuntis ng ina, pati na rin mga bagong ipinanganak
kung may HIV o AIDS ang ina. Tinatawag itong mother-to-child transmission. Pwede ring makuha
ang isa ng HIV sa paggamit ng syringe o heringilya na nauna nang ginamit ng isa na may HIV.
Ayon sa World Health Organization, umaabot na sa 85.5 – 113 milyon ang may HIV/AIDS sa buong mundo, 53 percent dito ay mga babae at bata mula edad 0-12. Mahigit 40.4 milyon na ang
namamatay sa AIDS magmula 1980s.
Sa mga nakalipas na taon, habang patuloy na bumababa ang insidente ng HIV/AIDS sa mga
Kanluraning bansa, patuloy na tumataas ito sa Pilipinas, Samantala, Dolzura Cortez, ang kaunaunahang Pilipina na nagsiwalat na siya’y may AIDS at namatay dahil sa sakit na ito noong 1992.
Ikalawa si Sarah Jane Salazar (a.k.a. Marissa Reynon, 1975-2000) na nahawa ng HIV sa edad na
19, at naging isang AIDS activist.