33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Dapat astig ang pinuno ng mga guwardiya sa NBP- Robin

DAPAT magkaroon nang mas mahigpit na patakaran para tiyaking astig o siga ang pinuno ng
mga guwardiya sa New Bilibid Prison (NBP), para hindi na maulit ang pagtakas ng mga persons
deprived of liberty (PDL).


Isa ito sa mga repormang iginiit ni Senador Robin Padilla, nitong Huwebes, sa patuloy na
pagdinig ng Senado sa pagtakas ni Michael Catarroja, na nagsabing wala siyang nakitang
bantay nang pumuga siya.

“Siguro sa susunod magkaroon ng guideline na ganoon, kung kaya ng opisyal ang position.
Parang doon nanggaling. Hindi ko kayo sinisisi, tapos na ang sisihan. Dapat ngayon na siguro in
aid of legislation kami ni Sen. Tolentino, pag-usapan namin kung paano hindi ito mangyayari uli,”
ani Padilla matapos marinig ang salaysay ni Bureau of Corrections (BuCor) Sr. Inspector
Purificacion Hari.

BASAHIN  Jay Sonza mag-aala Robin Padilla?


Ayon kay Padilla – na nakulong nang mahigit tatlong taon sa Bilibid – na isang mabigat na
responsibilidad ang pagiging commander of the guards.


Inirekomenda niya kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na “maglagay ka ng siga
na commander of the guards.”


Ipinahayag ni Hari, na kulang ang tauhan niya nang umupo siya sa pwesto. Dahil dito, aniya,
kahit mga babaeng bantay ay kailangang mag-escort ng PDL.


“Yan ang kailangan natin, accountability, inaamin agad kaya nakakawala ng init ng ulo. Minsan
sa hearing namin palpak na nagmamagaling pa,” ani Padilla.


Samantala, pinaalalahanan ng Senador na dapat irespeto ng mga guwardiya ang karapatan ng
mga bilanggo, na dapat naaayon sa Nelson Mandela Rules ng United Nations.

BASAHIN  3 Bilanggo, nagdiwang dahil sa pagkapanalo sa BSKE


Nanawagan din si Padilla na sana, maaprubahan ang panukalang batas para ma-regionalize
ang Bilibid, para matugunan ang overcrowding, gayundin ang pagpopondo sa pagpapatayo ng
gusali sa loob ng NBP.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA