33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

School bag, ibinida ni Mayor Honey

Ibinida ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang top quality school bags at mga supplies na ipinamahagi sa mga mag-aaral ng Maynila.

Ayon kay Mayor Lacuna, hindi lang supplies ang nakatakdang ipamahagi sa mga Manileñong mag-aaral kundi may parating pa kapag na-approved na ang city budget.

“Sana ay maalagaan ninyo dahil maganda ang mga ibinigay namin lalo na ‘yung bag,” pagbibida ng alkalde.

Una nang namahagi ng mga top quality bags sa ilang public schools sa Manila noong Martes, unang araw ng klase para sa school year 2023-2024.

Paalala pa ni Mayor Lacuna sa mga magulang ng mga mag-aaral ng public elementary schools na turuan ang mga bata na ingatan ang kanilang school supplies na ibinibigay ng Manila LGU dahil mula sa taxes ang ipinambili ng pamahalaan para punan ang pangangailangan ng mamamayan.

BASAHIN  Chiz suportado ang batas vs pang-aabuso ng airline companies

“Ang ginamit po nating pambili ng mga ‘yan ay nagmula sa mga buwis na ibinabayad ninyo sa ating pamahalaang-lungsod,” ayon kay Mayor Honey.

Kasabay nito, hinihikayat ng alkalde ang mga Manileñong mag-aaral na mag-aral mabuti at tapusin ang pag-aaral hanggang college para magkaroon ng magandang future na kung saan katuwang ang Manila LGU na tutulong sa kanilang pag-aaral mula Kinder hanggang Kolehiyo

BASAHIN  Partner ni Pokwang, na-deport

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA