Ready na ang Malusog na Batang PasigueƱo (MBP) program food packs na ipamamahagi sa mga residente ng Pasig City.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, nasimulan na ang unang bahagi ng pamimigay ng Malusog na Batang PasigueƱo (MBP) at ngayon namang September ang susunod na ayuda.
Nabatid na ang MBP ay isa sa inisyatibo ng Pasig LGU na nutrition program na makatulong Ā sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan na makatikim ng malulusog at masustansiyang pagkain.
Kabilang sa food packs ang “Sangkap Pinoy” seal na makatutulong para maiwasan ang malnutrition at mapalakas ang brain development ng kabataan, kabilang sa unang naipamahagi ang tuna, iodized salt, at vitamins sa mga bata.
Nakatakdang mamahagi ng milk products at bigas ang Pasig LGU ngayong buwan.