33.4 C
Manila
Friday, November 15, 2024

Siklista sa viral video, pinilit daw makipag-ayos,hinihingan pa ng P800 ng dating pulis

PINILIT daw makipag-ayos ang siklistang napanood sa viral video, na kinasahan at
tinutukan ng isang na-dismiss na pulis sa Quezon City noong Agosto 8.


Ayon sa vlogger na si Batang Maynila to its (BMTI), nagkasabitan daw ang siklista at si
Wilfredo Gonzales, dating pulis, dahil inukupa ng huli ang bike lane na dapat sana ay
ekslusibong gamit ng mga nagbibisekleta.


“Bakit hindi ka dito dumaan sa kalsada na talagang daanan ng mga sasakyan para wala
sanang nangyaring sagian? Eh kaso sinisiksik mo, ah yung ano, yung sasakyan mo
nasa bike lane. Tapos ngayon, ang gagawin mo eh ikaw pa ang feeling biktima sa
nangyari?” ayon sa vlogger.


Sinabi pa ni BMTI na “makapal ang mukha ng tolongges na ito” nang sabihan ni
Gonzales ang nag-post ng video na maging responsable.


Nagbanta pa si Gonzales na kakasuhan ang vlogger na nag-post ng nag-viral video.
Pero idiniin ni BMTI na walang anumang paglabag sa Data Privacy Act dahil ang video
ay kinunan sa isang public place. Idinagdag pa niya na dapat daw si Gonzales ang
maging responsable, hindi ang nag-post ng video.

BASAHIN  6 warehouse staff kulong sa QC


Binasa ni BMTI ang post na nagsabing hiningan pa ni Gonzales ng P800 ang siklista
bilang danyos na naibaba sa P500. Ayon pa sa kanya, kaya raw napilitang makipag-
ayos ang siklista ay dahil sa labis na pressure mula sa mga pulis (sa Galas police
station) at dahil nanginginig na raw siya sa pagod at gutom.


Sakaling magdesisyon ang siklista na magreklamo, handa ang batikang abogado na si
Raymund Fortun, na tulungan ito para mawala na sa kalsada at makulong ang mga
perhuwisyong katulad ni Gonzales.


Samantala, hiniling kahapon ni Senador Jinggoy Estrada na magkaroon ng
imbestigasyon ng Senado ang insidente para makagawa ng batas na magbibigay-
proteksyon sa mga siklista at motorcycle rider.

BASAHIN  Dapat mas maraming ngipin ang MTRCB - Chiz


Sinabi naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri kay Jinggoy na huwag nang
tawaging “kalbo” ang dating pulis dahil may kasamahan sila (si Sen. Bato de la Rosa) na
kalbo rin. Nagbungisngisan ang ilang nakarinig nito sa gallery.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA