33.4 C
Manila
Friday, November 15, 2024

Mayor Joy, tutulungan ang siklista na tinutukan ng baril DILG Sec. Abalos: Kasuhan

HINIKAYAT ni Quezon City (QC) Mayor Joy Belmonte ang siklista na tinutukan ng baril
kamakailan, na makipag-coordinate sa pamahalaang lungsod para sa filing ng
kaukulang reklamo.


Sinabi ni Belmonte na inutusan niya ang Q.C. People’s Law Enforcement Board para
hawakan ang kaso. Nadismaya ang mayor sa Galas Police Station dahil hinayaan
nitong agad na matapos sa pag-areglo ang insidente.


Ayon sa isang legal researcher, mukhang hindi ba nagreklamo ang siklista dahil sa
siya’y “under duress” kaya napilitang makipag-areglo. Pero ang ganitong pag-areglo ay
walang-saysay sa korte kapag napilitan lamang ang complainant.


“We are appealing to the complainant to come forward so that Willy Gonzales, whom I
consider a menace to society, is held accountable… The local government would extend
legal assistance to the biker and they would put him and his family “in our protection,”
ani Belmonte.

BASAHIN  2 wanted arestado sa Quezon City


Nangyari ang insidente noong Agosto 8, na nag-viral sa social media. Nakikita si
Wilfredo Gonzales – isang na-dismiss na pulis – na kinasahan at tinutukan ng baril ang
isang siklista. Ayon pa sa report, nauna nang nagpumilit si Gonzales na sumingit sa
bike lane na kung saan naroroon ang siklista.


Makalipas ang ilang araw, kinumpiska ng Philippine National Police (PNP) ang apat na
baril ni Gonzales kabilang ang tatlong .45 caliber at isang 9 mm.

Kinansela rin ng ni PNP Firearms and Explosives Office (FEO) chief Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas PNP ang permits to carry ni Gonzales.


Samantala, sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) na dapat
kasuhan si Gonzales. Aniya pa, hindi raw natin dapat payagan ang ganitong uri ng
pambu-bully – gamit ang baril – na nagsasapanganib sa buhay ng iba. Para sa isang
mapayapa at maayos na pamayanan, dapat daw may managot dito.

BASAHIN  HB 8264: Libreng dental services sa lahat ng mahihirap


Idiniin in Abalos na kahit na raw ayaw nang mag-kaso ang siklista, may mga
pagkakataon na pwedeng kasuhan si Gonzales, basta may testigo.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA