33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Mahigit 1.2-M, kaso ng autism sa bansa

PATULOY na tumataas ang bilang ng mga kaso ng autism o autism spectrum disorder
(ASD) sa bansa, ayon sa Department of Health (DoH) kamakailan.


Ayon sa datos ng DoH noong 2008, may naitalang 500,000 na mga Pilipino ang autistic
at lomobo ito sa mahigit isang milyon noong 2018.


Sa bilis na pagtaas ng bilang ng ASD sa bansa, tinatayang may mahigit 1.2 milyon na
ang bilang nito ngayong 2023, pero hindi pa kasali rito ang malaking bilang na nasa
kanayunan o hindi pa nai-report.


Ayon sa Bravo Research, ang mga taong may ASD ay may problema sa pakikipag-
usap at inter-aksyon, restricted o kaya’y paulit-ulit ang kanilang ugali o salita, pati na
kanilang interes. Kakaiba ang pamamaraan nila nang pagkatuto, pagkilos, o pagbibigay
atensyon, na kadalasa’y mas mabagal kaysa normal. Pwedeng ma-detect ang ASD sa
edad na 18 buwan pa lang ang sanggol o mas maaga pa.

BASAHIN  Pulisya: Aksyon agad vs road rage – Cayetano


Samantala, itinutulak ni Sen. Raffy Tulfo ngayong National Autism Awareness Month
ang pagsasabatas ng kanyang proposed Senate Bill (SB) No. 752 na naglalayong
hanapan ng solusyon at pigilan ang paglaganap ng problema ng autism sa ating bansa.


“The time is now upang seryosohin ng pamahalaan ang problema sa autism at kumilos
na talaga para hanapan ito ng solusyon. Komprehensibong research and development
ang kailangan para malaman ang mga susunod na hakbang,” ayon kay Tulfo.


Sakaling maging ganap ng batas ang SB No. 752, inaatasan nito ang DoH – sa
kooperasyon ng iba pang ahensya ng gobyerno – na magsagawa ng evidence-based

research at epidemiological survey para matukoy ang sanhi, mahanapan ng gamot, at
mabigyan ng karampatang tulong at government subsidies ang pamilya na may
miyembrong may ASD.

BASAHIN  Graft, technical malversation, tuloy pa rin vs. Garin atbp.


Kasama sa SB No. 752 ang pagpapatupad ng programa para sa early screening and
detection para sa mga sanggol o batang may developmental delays, na maiuugnay sa
ASD.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA