SINABI ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro noong Sabado na masyado pang
maaga para pag-usapan ang impeachment complaint laban kay Vice President ang
DepEd Secretary Sara Duterte.
Iginiit ni Castro na “illegal” na ginagamit ng Office of the Vice President’s (OVP) ang
confidential funds nito.
Ayon pa kay Castro, ang isyu ng maling paggamit ng ₱125 milion confidential funds ang
dapat munang pagtuunan ng pansin, dahil ang masyado pang maaga para pag-usapan
ang impeachment .
Ginawa ng House deputy minority leader ang paglilinaw matapos niyang sabihin
kamakailan na pag-aaralan niya kung paano pwedeng ma-impeach si Duterte dahil sa
maling paggamit ng confidential funds.
Sinabi ni Castro na ginamait ng OVP ang pondo noong 2022 kahit hindi ito awtorisado
ng Kongreso. Wala rind aw ponding nakalaan para sa confidential expenses para sa
OVP sa taong iyon.
Idiniin ng mambabatas na pwede raw papanagutin si Duterte sa ilang kasong criminal
dahil diumano sa technical malvbersation ang illegal na paggamit ng pondo ng
gobyerno, pati na rin paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Sinagot ni Duterte noong Huwebes ang mga paratang at sinabing, “All she did was
wildly and masterfully arrange some allegations against me and the OVP, which will all
be answered once the probe is done and during the budget hearing.”