33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

Meralco, telco companies sa Pasig, kakasuhan?

NAGPASA kamakailan ng ordinansa ang Pasig City Council na magtatakda sa Meralco
at telcos o telecommunication companies na ayusin at tanggalin, kung kinakailangan,
ang mga nakabuhol o sirang kawad o linya ng bawat kumpanya.


Ayon kay Pasig City Vice Mayor Dodot Jaworski, layunin ng ordinansa na mailayo sa
posibleng aksidente ang mga residente ng lungsod at mga motorista.

Layunin din nito gawing maaliwalas ang tanawin sa bawat kalsada ng Pasig kung aayusin ang sala- salabid na linya ng kuryente at komunikasyon.


Ayon pa sa ordinansa, maaari raw makasuhan ang mga kumpanyang sangkot dito
kapag binale-wala nila ang utos.


Nalulungkot si Jaworski dahil kahit na bilyon-bilyon ang kinikita, tila binabalewala pa rin
nila ang kaligtasan at kapakanan hindi lang ng kanilang subscribers, kundi pati na rin
ang karaniwang mamamayan.

BASAHIN  Taguig youth leaders: 'Magbago, huwag umayon'


Matatandaang noong Agosto 3, muntik nang may namatay at tatlo ang nasaktan nang
matumba ang tatlong poste ng Meralco sa Binondo, Maynila.


Ayon sa imbestigasyon, ito’y sanhi ng weight overload mula sa sobra-sobrang bigat na
electrical at telco wires na nakasabit sa poste. Nakasira ng walong kotse ang insidente
at nagresulta sa buhol-buhol na trapiko na naka-perhuwisyo sa mga mananakay at
motorista sa loob ng mahabang oras.


Sinabi pa ng vice-mayor na hindi raw sila dapat matakot sa abogado ng mga nabanggit
na kumpanya, dapat gawin lang nila ang kanilang trabaho para sa kapakanan ng mga
taga-Pasig at mga commuter dahil kasangga raw sila ng lungsod.

BASAHIN  Con-con forum, patuloy na isinusulong ni dating anti-corruption czar Greco Belgica

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA