33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Bebot hinainan ng 5 warrant of arrest sa Pasig

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang manager ng sariling  negosyong travel and tours matapos idemanda ng mga kliyente at arestuhin sa inihaing limang warrant of arrest kahapon sa Raymundo Avenue, Brgy. Rosario, Pasig City.

Inaresto ng mga tauhan ng Rosario Police Sub-Station (SS7), Pasig CPS sa pamumuno ni PMaj. Loreto Tigno,  Sub-Station Commander ang suspek na may kinahaharap na limang Warrant of Arrest na alyas “Cel”, 52-anyos, walang asawa, manager ng travel and tour business at residente ng Brgy. Santolan, Pasig City, dahil sa patung-patong na kasong Estafa, Bouncing Check Law at iba pang klase ng panloloko, panggagatso o swindling.

Bandang 1:30 Huwebes ng hapon ng isagawa ang operasyon laban sa suspek at naaktuhan sa kahabaan ng F. Andres Street corner C. Raymundo Ave., Brgy. Rosario, Pasig City.

Inihain ang multiple Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Giovanni Esguerra Vidal,  Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 236, Makati City para sa kasong Estafa sa ilalim ng Article 315 (2) ng Revised Penal Code docketed under Criminal Case No. R-MKT-20-02318-CR.

Isa pang Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Jesusa Lapu-Gaudiano, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court Branch 153, Pasig City sa paglabag sa  lB.P. 22 (Bouncing Check Law) docketed under Criminal Case No. M-PSG-20-02971-CR at isa pang Warrant of Arrest mula kay Hon. Gaudiano, Assisting Judge ng  Metropolitan Trial Court Branch 68, Pasig City sa kasong Estafa under Article 315, par. 2(a) of the Revised Penal Code, as amended by R.A. No. 10951 (14 Counts) docketed under Criminal Case No. M-PSG-20-00183-00197-CR.

BASAHIN  Tserman sa Muntinlupa tinodas, riding-in-tandem pinatutugis ni Nartatez

Pinarangalan naman ni PCol. Celerino Sacro, Jr hepe ng Pasig City Police Station ang mga tauhan ng Sub-Station  7 sa matagumpay na paghuli sa nag-iisang suspek na may hinaharap na limang Warrant of Arrest.

Napag-alaman na may nakabinbing kaso pa ang suspek at dalawa pang Warrant of Arrest ang inihain na inisyu ni Hon. Analie Oga-Brual,  Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court Branch 41, Quezon City sa kasong Estafa under Article 315 (2) (a) of the Revised Penal Code docketed under Criminal Case No. M-QZN-20-04745-CR at Warrant of Arrest na inisyu pa ni Hon. Emilio Gonzales  III, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court Branch 154, Pasig City for Other Forms of Swindling docketed under Criminal Case No. M-PSG- 20-03461-CR.

BASAHIN  6 warehouse staff kulong sa QC

Ang lahat ng  Warrant of Arrest na inisyu ng ibat ibang Korte laban sa suspek ay nilagakan ng piyansa na aabot sa P366,000.00.

Nabatid na nag-aalok ng tour packages ang suspek mula sa kanyang travel and tour business na sumasablay at maraming kliyente ang na-scam na kung saan ay kinukuha ang bayad at walang tours na magaganap.

Pansamantalang nakakulong ang suspek sa custodial facility habang inihahanda ang pagdinig sa kanyang patung-patong na kaso.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA