BINIGYANG-DIIN ni Vice President Sara Duterte ang mahalagang papel ng special
operations forces (SOF) ng pamahalaan bilang matibay na haligi para maprotektahan
ang soberanya at kalayaan ng bansa.
Naging guest of honor si Duterte sa Philippine Naval Special Operations Command
(Navsocom) graduation sa Class 15 ng SEAL Qualification Training (SQT), pati na rin
ang Class 20 ng Basic Naval Explosive Ordnance Disposal Course (BNEOD).
Ito ay ginanap sa Naval Base Heracleo Alano, Cavite City noong Miyerkules.
Inilarawan niya ang mga nagtapos ng 30 SQT Class 15, at 15 BNEOD Class 20 bilang
pinakabagong grupo nang mandirigma, na dumaan sa mabigat na training – isa sa
pinakamahirap sa buong mundo.
Kinilala ni Duterte ang pagsisikap ng SOF na itaguyod ang national security ng bansa
sa loob ng mga nagdaang taon – kasali na ang pagliligtas ng mga biktima mula sa
kamay ng mga terorista, pagnu-neutralize ng teroristang lider sa Mindanao, pati na ang
pagre-raid ng pabrika ng ipinagbabawal na gamot sa Maynila.
“I salute the Navsocom leaders for their dedication and commitment in training these
outstanding young men and women,” aniya pa.