33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

Torture ng kasambahay, mas mabigat na parusa – Tulfo

ISINUSULONG ni Senador Raffy Tulfo ang “one-strike policy”, o mas mabigat na
parusa para sa mga among nang-aabuso at nang-to-torture ng kasambahay.


Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights noong Martes,
iminungkahi ni Tulfo ang “one-strike policy” at mas mabigat na criminal liability laban sa
mga umaabusong employer ng kasambahay.


Kaugnay nito, mariing kinondena ni Tulfo ang matinding pagmamaltrato at pang-aabuso
sa kasambahay na si Elvie Vergara, magmula pa noong 2020, habang namamasukan
ito sa tindahan ng mga amo sa Occidental Mindoro.


Dagdag niya, dapat magsilbing “wake up call” sa Senado ang karumaldumal na dinanas
ni Vergara, upang irebyu ang Domestic Workers Act at iba pang mga katulad na batas.
Giit pa niya, “Sa aking programa, hindi na bago ang mga mapapait na kwento ng mga
kawawang kasambahay natin na inaapi.”

BASAHIN  China, sinasakop na rin pati mga kalsada sa bansa – Tulfo


Sa kaso ni Vergara, inakusahan siya ng pagnanakaw ng P12,000 at relo, na nag-udyok
umano sa kanyang amo na paulit-ulit na saktan siya.

Dahil dito siya ay tuluyang nabulag at nagtamo nang iba’t-ibang grabeng kapansanan dahil sa maraming beses na pambubugbog.


Ayon kay Tulfo, ginagamit ng ilang amo ang qualified theft bilang panakot sa mga
kasambahay para huwag nang magreklamo sa mga pang-aabusong ginagawa nila.


Dahil dito, “I will pass a bill that will remove our kasambahays from the provisions of
qualified theft, pahayag ng senador.


Sa kasalukuyang batas, ang mga domestic worker ay binibigyan ng parusang dalawang
antas o degree na mas mataas kaysa sa parusa para sa karaniwang pagnanakaw. Ito
ay “very discriminatory and anti-poor,” paglilinaw ni Tulfo.

Samantala, bukod sa amo ni Vergara, sinabi ni Tulfo na dapat ding sampahan ng
kasong kriminal si Barangay Chair Jimmy Patal para sa dereliction of duty bukod pa sa
serious illegal detention.

BASAHIN  Vloggers na nagkakalat ng fake news tuldukan na - Tulfo

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA