33.4 C
Manila
Sunday, February 23, 2025

Ukranian, iniligtas ng PCG

ISANG lalaking Ukranian crew ng barko ang iniligtas ng mga elemento ng Philippine
Coast Guard sa karagatan ng Palapag, Northern Samar noong Agosto 17, matapos
itong makaramdam ng pagsisikip ng dibdib at pagkahilo.


Ito ay kinilalang si Drozhzhyn Sergiy, 71, crew member ng cargo ship na M/V UHL
Falcon.


Labis na nanghihina si Sergiy dahil sa pagsakit ng dibdib at pagkahilo, kaya nag-radyo
ang kanyang mga kasama para humiling ng medical evacuation.

Agad na tumugon ang mga tauhan ng PCG Station, Northern Samar, kasama ang PCG
Sub-Station Allen, CG K9 Northern Samar at MDRRMO kaya nalapatan kaagad ng first
aid ang biktima na pagkatapos ay dinala agad sa Catarman Doctors Hospital.

BASAHIN  Indonesian President Joko Widodo, bibisita sa Pilipinas sa susunod na linggo


Dahil daw sa mabilis na medical intervention, nailigtas ang buhay ng Ukranian at sa
ngayon ay nasa stable na kundisyon sa ospital, ayon pa sa PCG.

BASAHIN  2 Nawawalang OFWs, hostage na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA