MAGTATAYO ang pinakamayamang Pilipino sa bansa ng ikalawang casino sa 3,500-
ektaryang Villar City.
Ayon sa dating Senate President Manny Villar, ang kanyang grupo ay nakipag-partner
na sa isang Korean group na magpapatakbo ng Casino sa Global South. Magsisimula
ang operasyon nito bago matapos ang taon o sa unang quarter ng 2024.
Ayon kay Villar, to ang magiging ikalawang casino ng grupo sa naunang 80-ektaryang
Global South sa Parañaque at Las Piñas, na under construction pa rin sa ngayon.
Ang proyekto ay magkakaroon ng hotels, condominiums, mall, at theme park, bukod pa sa
casino at mangangailangan ng halos US$1 bilyong puhunan.
Nais ni Villar na maging “legacy project” niya ang iconic na Villar City, kaya maingat sila
sa pag-de-desinyo nito, na tatawaging “Metro Manila’s new center of gravity”.
Ang 3,500-ektaryang Villar City – na 10 ulit na mas malaki sa Bonifacio Global City – ay
sumasakop sa 15 lungsod: Taguig, Las Piñas, Parañaque, Muntinlupa, Bacoor,
Dasmariñas, Imus, San Pedro, General Mariano Alvarez, Silang, General Trias, Tanza,
Trece Martires, Carmona, at Tagaytay.
Ayon sa masterplan, ang 15 lungsod ay magiging kapupunan o complement ng bawat
isa na magdudulot sa mga residente, kumpanya, at entrepreneurs, ng mahusay na
kapaligiran na magtataguyod sa paglago ng negosyo, pagbuo ng pamilya, at pag-angat
sa trabaho o karera.
Kasali rin dito ang makabagong CBC, isang Tech(nology) Valley (gaya sa Silicon Valley
sa US), university town, premier lifestyle hub, at iba pa, na ang backdrop ay berdeng
lupain na may isang milyong mga puno.
“Bahagi ng theme park ay ilalagay sa loob ng mall para mas maraming activities na
magagawa roon, kahit na umulan o masyadong mainit sa labas, “ sinabi ni Villar sa
wikang English.
Nais ding i-donate ang isang bahagi ng Villar City sa kanyan alma mater, ang
University of the Philippines , para magtayo ng isang kolehiyo na nakatuon lamang sa
pagtuturo ng teknolohiya. Ito ay malapit sa La Salle Dasmariñas.
“Ang Villar City ay isang proyektong panghabang-buhay, higit pa sa aking lifetime, kaya
maaring hindi ko na makita na matapos ito,” aniya pa.