33.4 C
Manila
Friday, November 15, 2024

Hindi na tayo makukuryente sa taas ng electric bill

INAASAHANG bababa na ang presyo ng kuryente sa mga darating na buwan dahil sa
pagbaba ng presyo ng uling at sa pagbaba ng presyo ng Wholesale Electricity Spot
Market (WESM), ayon sa ERC o Energy Regulatory Commission.


Ayon kay ERC Chair at CEO Monalisa Dimalanta na inaasahan ng ahensya ang patuloy
na pagbaba sa presyo ng kuryente sa mga susunod na buwan.


Sinabi pa niya na ang malaking demand sa kuryente kapag tag-init, ay inaasahang
bababa ngayon dahil sa bumababang presyo ng uling sa pagdaigdigang merkado at
pagbaba ng presyo sa WESM. Ito ay sinabi niya sa hearing ng Joint Congressional
Energy Commission hearing noong Huwebes.


Idinagdag pa niya na bumaba ang kuryenteng sinisingil ng Meralco ngayong buwan
dahil sa ikatlong buwang pagbaba ng generation charge.

BASAHIN  Ex-First Minister ng Scotland, bumisita kay Tulfo


Samantala, inihain ni Senator Francis Escudero kamakailan ang Senate Bill No. 2301 o
ang panukalang naglalayong ipatigil ang pagpapataw ng 12 percent value added tax
(VAT) sa konsumo ng kuryente.


Layunin daw nito na maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan dahil sa mahal
na kuryente at maka-attract ng mas maraming mamumuhunan sa bansa.


Ayon sa ilang ekonomista, makaaakit lamang tayo ng foreign investors kung bababa ang
presyo ng kuryente gaya sa Vietnam at iba pang bansa sa Southeast Asia.


Matatandaang ito ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga planta na umalis sa
China ang lumipat na sa Vietnam.

BASAHIN  4 DOA sa aksidente sa Antipolo

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA