SIMULA ngayon, Agosto 20, tatawagin ng Fernando Poe Jr. (FPJ) Station ang Roosevelt
Avenue Station ng LRT-1 sa Quezon City.
Bubuksan sa araw na ito ang marker na nakalagay ang pangalan ni FPJ, sa pangunguna nina
Senators Grace Poe, Lito Lapid at dating Senate President Vicente Sotto III.
Dadalo rin sa naturang pagtitipon sina DoT Secretary Jaime Bautista at LRT Management
Corporation president at CEO Juan Alfonso.
“Magandang regalo kay FPJ at sa kanyang mga tagasuporta ang pagkakaroon ng isang FPJ
Station,” ayon kay Sen. Poe.
Sinabi pa ni Poe na sana ay maalala raw ng mga tao si FPJ tuwing sasakay ng tren. Lagi raw
nasa puso ng “Da King” ang serbisyo publiko at ang pagkakaroon ng komportable at ligtas
na byahe ay isang paraan para mapanatili ang legacy o pamana ni FPJ.
Ang pagpapalit ng pangalan ay nagkabisa sa ilalim ng Repubic Act No. 11608 na ipinasa ng
18th Congress noong Disyembre 10, 2021.