33.4 C
Manila
Friday, November 15, 2024

UMak, pag-aari pa rin ng Makati

ANG University of Makati (UMak) – na nasa ilalim ng Makati LGU – ay hindi apektado
ng desisyon ng Korte Suprema (KS) kamakailan, kahit na ito’y nasa teritoryo na ng
Taguig City.


Ayon kay UMak president Elyxzur Ramos, hindi raw sila direktang apektado (nang utos
ng KS na ilipat ang 10 Makati barangay sa ilalim ng Taguig). Kailangan daw nilang
sumunod sa utos ng KS at tanggapin na nasa hurisdikyon na sila ngayon ng Taguig
City.


Nilinaw ni Ramos na ang UMak ay pag-aari pa rin ng Makati LGU at walang kontrol ang
Taguig sa operasyon ng pamantasan.


Sinabi pa ni Ramos na kailangang sundin ang desisyon ng KS, pero idiniin niya na ang
hurisdiksyon ay kakaiba sa ownership (ng pamantasan). Malinaw din daw sa desisyon
ng KS na hindi pag-aari ng Taguig ang lupain na kung saan, nakatayo ang UMak; ito ay
bahagi lamang ng teritoryo ng Taguig.

BASAHIN  Utak ng vape shop robbery sa Valenzuela, arestado sa Pasig


Dahil dito, nasa pambihirang katayuan daw ang UMak dahil karamihan sa mga
estudyante nila ngayon – na nakatira sa mga apektadong barangay – ay hindi na
residente ng Makati.


“It’s business as usual at UMak but, of course, because we are now under the
jurisdiction of Taguig, we have to get the necessary clearances and permits from them…
Our new address is (at) JP Rizal Extension, West Rembo, Taguig City,” aniya pa.

BASAHIN  Halos 60 couples sa San Juan City, sabay-sabay ikinasal ngayong Valentine's Day

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA