Simula na sa Linggo (August 20) ay makikita na ang pangalan ng dating king of action movies sa isang isitasyon ng tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).Â
Ang dating LRT-1 Roosevelt station sa Quezon City ay papalitan na at gagawing pangalan ng National Artist for Film Fernando Poe Jr. (FPJ).
Ang pagpapalit ng pangalan ay base sa Republic Act No. 11608 na Roosevelt Avenue sa first legislative district ng Quezon City at gagawing FPJ Avenue.
Magaganap ang unveiling of new marker na may pangalan ng King of Philippine Movies na pangungunahan nina Senator Grace Poe, former Senate President Tito Sotto III at Senator Lito Lapid.
Sinabi ni Sen. Poe na nasa puso ng kanyang ama ang serbisyo publiko kaya isang legacy umano para sa kanya ang pagsilbihan ang mga tao sa pamamagitan ng public transport.
Magkakaroon din ng FPJ pop-up exhibit bukas sa mismong istasyon.