ITO ang iniutos kahapon ni Sec. Benjamin Abalos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Ginawa ni Abalos ang utos dahil sa aksidenteng kinasangkutan ng rumespondeng fire volunteers sa isang sunog sa Tondo, Maynila noong Agosto 14.
Dahil sa sobrang bilis ng fire truck, hindi na ito nakontrol ng driver na naging sanhi nang pagkasawi ng isang 62-anyos na babae at ikinasugat pa ng walo.
Ayon kay Abalos, dapat magpatupad ang BFP nang mas mataas na standards para sa akreditasyon ng volunteer fire brigades, pati na pagtatakda ng mas mahigpit na kwalipikasyon sa volunteer firefighters at truck drivers.
Dapat daw siguruhin na walang anumang record ng reckless driving at aksidente ang truck driver at kailangang pumasa rin sa neuropsychiatric exams at drug test.