33.4 C
Manila
Friday, November 15, 2024

Biktima ng ‘mistaken identity’ sa Navotas na si Jemboy, inilibing na

INILIBING na ang 17-anyos na biktima ng ‘mistaken identity’ kasabay ng ‘Justice for Jemboy’ ang isinisigaw ng mga kaanak at kaibigan ng biktima sa Barangay NBBS, Kaunlaran, Navotas patungo sa La Loma Cemetery sa Caloocan.

Nakasuot ng white t-shirt ang mga nakipaglibing at naghihinagpis sa nangyari kay Jemboy Baltazar maging ang ina na si Rodaliza, isang OFW ay walang tigil sa pag-iyak 

at umaasang mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa anak.

Una nang humingi ng tawad ang anim na pulis-Navotas na sina P/EMS. Roberto D. Balais, P/SSg. Antonio Bulaong, P/SSg. Gerry S. Maliban, P/SSg. Nikko Pines Esquillon, P/Cpl. Edmard Jake Blanco at Pat. Benedict Mangan sa ina ni Jemboy matapos mapagkamalan na suspek sa isang insidente ng barilan noong Agosto 2 at ngayon ay tanggal na sila sa serbisyo at kulong pa.

Hindi naman pinansin  ni Rodaliza ang paghingi ng tawad ng mga pulis at sa halip ay hinirit na pabigatin at itaas sa murder ang kanilang kaso sa halip na reckless imprudence resulting to homicide.

BASAHIN  Ex-taxi driver buking sa pagpasabog sa NAIA Terminal 3, nahuli na

Idiniin ni Rodaliza na magaan ang ikinaso sa mga pulis gayung buhay ng kanyang anak ang nawala

Gawing murder para walang piyansa. 

“Ang homicide sandali lang ang limang taon at makakalaya na sila. Hindi po ako makakapayag kasi sila makakalaya pero si Jemboy, hindi na makakabalik,” ayon kay Rodaliza.

Nilinaw ni Northern Police District (NPD) director Brig. Gen. Rizalito Gapas  na na-relieved na ang hepe ng Navotas Police chief Col. Allan Umipig dahil sa  command responsibility at  failure to supervise the police operation, kasama ang 22 personnel na kinasuhan pa ng  criminal and administrative cases 

Kasalukuyang nakakulong ang anim na sangkot na pulis at sising-sisi sa kanilang maling hakbang at inamin naman ang kanilang pagkakamali.

BASAHIN  12 PNP personnel ginawaran ng ‘Medalya ng Kagalingan’

Ang relief order ay mula sa tanggapan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) base sa rekomendasyon ng NPD.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA