NCRPO paiigtingin ang paglaban sa cybercrimes

0

SINABI kahapon ni NCRPO Acting Regional Director PBGen Jose Melencio Nartatez Jr. na
determinado ang kanyang tanggapan na hadlangan ang cybercrimes sa buong bansa.


Lalo itong lalakas matapos magtapos ang 233 pulis sa Basic Cybercrime Investigation
Seminar sa kanilang headquarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Kasabay sa pagtatapos ng seminar ang paglunsad ng Anti-Cybercrime Desks (ACD) sa iba’t
ibang himpilan ng pulisya sa buong Metro Manila.


Inisyatibo ng NCRPO na patuloy na pagbutihin ang kasanayan at kaalaman ng pulisya sa
pagtugon sa cyber-related crimes, saad ni Nartatez.


Samantala, sinabi niya na mayroon ng sistema para makapag-reklamo ang mga mamamayan
gamit ang text o SMS, o kaya’y e-complaint desk, e-complaint text/hotline number, o iba pang
paraan (maski personal) para ang duty officer ay agad maaksyunan ang reklamo.


Nilinaw ng heneral na maaaring tumugon ang ACD kahit sa kaugnay na krimen gaya ng child
pornography, anti-online sexual abuse or exploitation of children, at anti-child sexual abuse.
Maaaring bisitahin ang Facebook page ng NCRPO para sa detalye.

About Author

Show comments

Exit mobile version