GAGAYAHIN kaya ng nakakulong na si Jay Sonza si Senador Robin Padilla?
Ito ang palaisipan sa ilang netizens matapos ikulong si brodkaster Sonza sa Quezon City (QC)
Jail dahil sa mga kasong large scale illegal recruitment at 11 bilang ng estafa.
Kakaiba naman ang kaso ni Padilla dahil ito’y illegal possession of firearms, nakulong siya sa
Bilibid noong 1994, at nanalong senador sa 2022 elections.
Kung matatandaan, tumakbong senador si Sonza noong 2004 sa ilalim ng Aksyon
Demokratiko pero natalo. Tumakbo siyang vice-president noong 2010 pero natalong muli.
Magkaiaba ang level ng popularidad nina Sonza at Padilla, kaya hindi sila pwedeng ikumpara.
Samantala, ayon kay BJMP Spokesperson Chief Inspector Jayrex Bustinera, nai-turn-over na
sa kanila si Sonza ng National Bureau of Investigation (NBI) Manila noong Agosto 3.
Ayon pa kay Bustinera, matapos matanggap ang commitment order mula sa QC RTC Branch
100, kaagad na dinala sa QC Jail-Ligtas Covid Center Quarantine facility, bago siya isasama
sa ibang preso matapos ang limang araw na quarantine.
Ayon pa sa BJMP, papunta sana si Sonza sa Hong Kong noong Hulyo 18 nang hulihin ng mga
tauhan ng Bureau of Immigration dahil may nakabimbin itong mga kaso.