SA INYO na ang lupain, sa amin naman ang istraktura.
Ito ang klarong pahayag ni Makati City Adm. Claro Certeza matapos magtangka ang Lungsod
ng Taguig na mag-take-over sa 14 na paaralan na ngayo’y sakop nito.
Sinabi ni Certeza na ang mga paaralang ito ay pag-aari ng Makati dahil mula sa pondo ng
lungsod galing ang pagpapagawa nito. Tanging ang lupain lamang ang sakop ng Supreme
Court order. Malinaw daw na hindi inilipat ng KS sa Taguig ang pamamahala sa 14 na
paaralan na ang kinatitirikang lupa ay sakop na ngTaguig.
Sinabi ng pamahalaan ng Taguig na tumutupad lamang sila sa kahilingan ng Department of
Education (DepEd) na ipatupad ang desisyon ng KS.
Matatandaang binarikadahan ng Makati volunteers kamakailan ang ilang kalsada papunta sa
Pitogo High School at iba pang paaralan sa Taguig na dating pag-aari ng Makati.
Mariing sinabi ni Certeza na ang pagtatangka ng Taguig na kunin ang kontrol ng mga
paaralang pag-aari ng Makati ay isang “criminal act”, dahil dito, mapipilitan silang mag-file ng
kasong kriminal at administratibo laban sa mga taong sangkot dito.