IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kamakailan ang pagsuspindi sa lahat
ng reclamation projects sa Manila Bay, maliban sa isang hindi pinangalanan.
Ayon sa Pangulo, “Nakasuspinde lahat… under review (ng DENR) ang lahat ng
reclamation. ‘Yung isa lang ang natuloy dahil na-review na. Maraming problema, marami
kaming nakitang hindi masyadong maganda ang patakbo.”
Kaugnay nito, nagpahayag nang pagkatuwa si Senador Cynthia Villlar sa desisyon ng
Pangulo, na kapag itinuloy, ay makapagdudulot daw ng malawakang pagbaha sa Las Piñas
at mga karatig-lungsod.
Sinabi ni Marcos Jr. na dahil sa reclamation projects, maraming mga ilog ang magbabara
na magdudulot ng malawakang pagbaha.
Ayon sa Philippine Reclamation Authority (PRA), tatabunan ang mahigit 6,700 ektarya ng
dagat sa 22 reclamation projects sa Manila Bay. Sinabi rin ng PRA at DENR na nakasunod
naman sa requirements ang Manila Waterfront Reclamation Project.