Trabaho lang, Walang personalan

BAKIT nga ba hindi nag-viral ang pakikipaghalikan ni dating Senate President Tito Sotto sa isang 16-year-old teen girl?


Hindi talaga ito magba-viral dahil isa lamang itong scenario at hindi totoo.


Pero nag-viral nang halikan ni Sotto ang misis kamakailan sa E.A.T. ng TV5 na kung saan napanood na nilalambing nito ang misis at hinahalikan sa labi.


Marami ang bumatikos kay Sotto online, kasama na ang pseudo-vlogger na si Rendon Labador.
Isa raw itong kawalang-galang o pambabastos sa kababaihan, aniya.

Diniscribe pa nga niya si Sotto na aktibong senador, hindi ex-senador na siyang dapat.


Dapat siguro magpatingin sa psychiatrist itong si Rendon. Kahit saan mang panig ng mundo, ang
paghalik sa legit wife – kahit sa harap ng TV cameras – ay hindi kawalang-galang sa mga babae.


Never itong malaswa, kaya nga legit wife at pareho na silang seniors kaya never na maka-arouse
sa iba ang kanilang paglalambingan.


Mga ka-Brabo, huwag na po nating tangkilikin ang pseudo-vloggers, baka mahawa tayo sa zero IQ
nila.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...