Praktikal na kaalaman alok ng JW.ORG para sa mga kabataang naghahanap ng trabaho

0
419
Photo courtesy: jw.org/tl

HALOS tatlo sa apat na mga kabataan na may edad 15 hanggang 24 sa 92 na mga bansa ay walang mga kasanayan na kailangan para makahanap ng trabaho, ayon sa 2022 report ng Education Commission at UNICEF.

Ito ay kasunod ng paghahanda ng United Nations para sa World Youth Skills Day noong Hulyo 15.

Ang jw.org, bagaman hindi gaanong kilala, ngunit praktikal na mapagkukunan ng impormasyon, ay nag-aalok sa mga kabataan ng mga praktikal na payo na magagamit para magkaroon sila ng mga kasanayan sa paghahanap ng trabaho, at makapagplano para sa kanilang kinabukasan.

“Nakinabang talaga ako ng husto sa mga impormasyon mula sa jw.org,” kuwento ng 23-anyos na si Keziah Perez. “Ang website ay nakatulong sa akin upang mapabuti ang aking pagkatao, masiyahan sa aking trabaho at mapanatili ang timbang na pangmalas sa buhay at trabaho. Kapag pagod na pagod sa trabaho, nakatulong sa akin ang mga artikulo sa jw.org na manatiling positibo pa rin at maging mapagpasalamat sa mga bagay na taglay ko.”

Ayon pa sa report, mas apektado ang mga kabataan sa mahihirap na mga bansa na makakuha ng mga kasanayan na kinakailangan para makahanap ng disenteng trabaho.

Napapaharap din ang mga kabataan sa krisis sa kakulangan ng kasanayan, dahil hindi sila nakapag-aral.

Ang artikulong, “Paano Ako Makapapasok (at Makapanatili!) sa Trabaho?,” ay nag aalok ng makatotohanang patnubay para sa mga kabataan na mababasa sa jw.org, ang website na naisalin sa pinaka-maraming wika sa buong mundo.

Ang ilang mga tips para sa mga kabataan na naghahanda para sa trabaho ay ang mga sumusunod:

BASAHIN  Mga video at babasahing pambata, pampamilya available na kahit walang internet access

Paaralan—Isang Lugar ng Pagsasanay sa Trabaho

Saan Makakahanap ng Trabaho

Sulit ang Pagtitiyaga

Pagpapanatili ng iyong Trabaho

Makipagkasundo sa mga katrabaho

Mahalaga ang pagiging punctual 

Ang Kahalagahan ng Katapatan

“Mapapansin ng mga kabataan sa umuunlad na mga bansa na limitado ang opsyon nila sa pagpili ng mga subjects at mga paaralan, sabi ng artikulo.

Idinagdag pa ng nasabing artikulo na karamihan sa larangan, ito man ay teknikal, komersyal, o akademiko, ay nangangailangan ng kasanayan sa komunikasyon. Kaya kahit na ang iyong paaralan ay hindi nag aalok ng tiyak na kasanayan sa pagtrabaho, magsikap na maging bihasa sa pagsulat, pagsasalita, at pakikinig. “

Inaasahang aabot sa 73 milyon ang bilang ng mga kabataang walang trabaho sa buong mundo, ayon sa ulat ng Global Employment Trends for Youth 2022: Investing in transforming futures for young people .

Ang pandemya at iba pang mga hamon sa paghahanap-buhay ay nag aambag sa pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho.

“Sa lahat ng nangyayari sa daigdig, mahalaga na samantalahin ng ating mga kabataan sa buong mundo ang maraming mapagkukunan ng impormasyon hangga’t maaari upang matulungan silang makapaghanda para sa hinaharap,” pahayag  ni Normito Zapata Jr., tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa Timog Luzon.

“Ang aming website, jw.org, ay isang napakahalagang mapagkukunan ng impormasyon para sa pamilya, na may praktikal na payo na nakabatay sa Bibliya para sa mga kabataan na naghahanap ng patnubay pagdating sa pagtatakda ng mga tunguhin,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Zapata na ang mga kabataan ay dapat na maging timbang sa kanilang buhay, at paglilinang ng mga magagandang katangian tulad ng pagtitiis, maging responsible, at pagkakaroon ng isang matatag na etika sa trabaho.

BASAHIN  Paggawa ng perang papel na hindi mapepeke, ibinida online

Ang JW.ORG ay ang opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova.

Bilang ang world’s most translated website, ang jw.org ay naglalaman ng mga teksto, audio, at video sa mahigit 1,075 wika—kabilang ang 100 sign languages at 50 braille. Ang mga tao mula sa iba’t ibang pinagmulan, kultura at relihiyon ay makakahanap ng praktikal na payo para sa modernong pamumuhay batay sa mapapanaligang mga simulain na mababasa sa Bibliya.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag ugnayan sa telepono: (02) 3224 4417.

JW.ORG RESOURCES

seryeng Tanong ng mga Kabataan :

            Anong Karera ang Dapat Kong Piliin?

Gaano Ako Karesponsable?

Paano Ko Mababadyet ang Oras ko?

Paano Ako Makakapagpokus?

Ano ang Dapat Kong Malaman Tungkol sa Multitasking?

Mahalaga pa rin ba ang Biblia Ngayon? serye:

Mga Pamantayang Hindi Kumukupas – Katapatan

Mga Whiteboard animation:

Paano Mo Gagamitin Nang Tama ang Pera Mo?

About Author