SINABI ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kahapon na malamang mayroong tatlong “mass
graves” o lansakang libingan sa maximum-security compound ng New Bilibid Prison na maaaring
kakitaan ng labi ng ilang mga bilanggo na nawawala sa loob ng maraming taon.
Kinumpirma rin ni Remulla na ang katawan na nakita sa loob ng septic tank sa maximum security
compound ng NBP ay sa nawawalang inmate na si Michael Angelo Cataroja.
Iniulat noong Hulyo 15 na nawawala si Cataroja, kaya humingi ng tulong si Bureau of Corrections
Director General Gregorio Catapang Jr. mula sa Philippine Coast Guard at National Bureau of
Investigation na hanapin ang inmate at kilalanin ang bangkay kung sakaling matagpuan.
Inihayag ni Remulla sa CNN Philippines na maaaring may dalawa o higit pang mass graves sa
Septic tanks ng maximum-security compound, na malamang kakitaan ng iba pang mga bangkay.
Si Cataroja ay ibinilanggo sa NBP noong Hulyo 26, 2022, matapos siyang masentensyahan ng 12-
20 taon dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. 1612 o ang Anti-Fencing Act Law. Mayroon
pa siyang isang kaso ng carjacking sa Antipolo City.