33.4 C
Manila
Thursday, November 7, 2024

Flor, inosente talaga

Sa salaysay sa PEP.Ph ni Russel Contemplacion, anak ni Flor, inilahad niyang hindi naniniwala si
Conrado Maga, asawa ni Delia na si Flor ang pumatay sa kanyang asawa. Bugbog-sarado raw ang
katawan ni Delia nang dalhin sa kanila ang bangkay. “Hindi ito kayang gawin ng isang babae,”
saad ni Conrado.

Idinagdag pa ni Russel na sa panahong nakaburol si Flor, araw-araw na nakikiramay si Conrado –
isang katibayan na hindi siya naniniwalang ang kanyang ina ang pumatay kay Delia.


Ayon pa kay Russel, dahil sa masaklap na sinapit ng kayang ina, makalipas ang ilang taon,
nabilanggo ang tatlo niyang kapatid na sina Xandrex at kambal na sina Joel at Jojo dahil sa
pagtutulak ng droga. Namatay daw si Xandrex sa bilangguan noong 2012 sa hindi maipaliwanag
na dahilan.

BASAHIN  3,000 Espiya ng China, gumagala sa Metro Manila?


Sinabi ni Marcellano Maga, bayaw ni Flor na mabait at masipag daw ito at kahit kailan, hindi nito
binigyan ng problema ang kanyang biyanan. Alam niyang inosente ito.


“Mahirap talaga ang mawalan ng ina na sana siyang gagabay sa amin,” pagtatapos ni Russel.
Samantala, noong 1995, nagwagi sa Cairo Film Festival ng Best Picture Award ang Flor
Contemplacion Story, na kung saan si Nora Aunor ang gumanap na Flor at si Joel Lamangan ang
direktor.

Marami ring video documentaries at feature films ang nai-produce bilang simpatiya kay
Flor, na tinawag ni Pres. Ramos na “isang bayani”.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA