BUMABALIK ang mapapait na alala nang pagbitay sa Overseas Filipino Worker (OFW) na si Flor
Contemplacion noong March 17, 1995 sa Singapore.
Ito ay dahil sa isang babae, si Saridewi Djamani, 45, Singaporean, ay nakatakdang bitayin ngayon, Hulyo 28, sa Changi Prison, dahil sa kaso sa droga.
Ito ang ikalawang pagkakataon makalipas ang 28 taon na nagkaroon uli ng pagbitay sa Singapore.
Maraming Singaporeans ang umalma dahil sa nakatakdang pagbitay kay Dyamani, dahil double
standard daw ang hustisya sa bansa; mga mahihirap lamang ang binibitay.