33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Marcos, dinedma si Inday Sara sa SONA?

USAP-USAPAN ngayon sa mainstream at social media ang pangdi-dedma diumano ni Pangulong
Ferdinand Marcos Jr. kay Vice President Sara Duterte bago magsimula ang State of the Nation
Address (SONA) ng Pangulo, noong Lunes.


Ayon sa ulat ng CNN kahapon, bago iprinisinta ni Marcos ang kanyang mga nagawa at plano,
naglakad ito sa plenary hall para batiin ang iba’t ibang opisyal ng gobyerno.


Nakaupo raw ang Vice-President sa pagitan nina Audrey Tan-Zubiri, asawa ni Senate President
Juan Miguel Zubiri, at First Lady Liza Araneta-Marcos. Nang paparating na ang Pangulo malapit
kay Duterte, kinamayan muna niya si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, pagkatapos,
kinamayan din si Mrs. Zubiri. Pagkatapos, dumiretso diumano si Marcos kay dating Pangulong
Joseph Estrada na nakaupo sa kanan ng first lady, at nalampasan si Duterte.

BASAHIN  Paulit-ulit na kapalpakan ng PNP, kinondena ni Tulfo


Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi raw niya napansin ito, pero magugulat siya
kung totoong nangyari ito, dahil “very close” daw sina Marcos at Duterte.


Pweo nagsimula ang talumpati ng Pangulo nang banggitin niya ang Pangalawang Pangulo.
Ayon pa kay Bersamin, nakasuot daw si Duterte ng tradisyonal na Maguindanaoan dress—“a
Bangala paired with a trouser and a flowing inaul or malong with a matching headdress”.

Maski si Bersamin daw ay hindi agad nakilala si Inday Sara. Tinanong pa nga niya si Arroyo kung sino ang marangyang Muslim lady. Sinabi ni Arroyo na ito ang bise-presidente.


(Kung tungkol sa pangdi-dedma ni PBBM kay Duterte), “Maaaring ganyan ang napansin ninyo,
pero I don’t think there was a snub,” pagwawakas ni Bersamin.

BASAHIN  Mga bagong buwis, kailangan—NEDA

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA