KAPIT sa patalim!
Ito ang kadalasang nararanasan ng 71 porsyento ng mga manggagawang Pilipino kapag nagigipit,
dahil wala silang naipon.
Ayon sa datus ng Cebuana Lhuillier (CL) financial services, 47 porsyento ang napipilitang
manghiram ng pera kahit para sa basic needs gaya ng pagkain, gastusing medikal, edukasyon, at
emergency, na nagreresulta sa matinding stress, at kung minsa’y karamdaman.
Nakababahala raw na umaabot sa 72 sa mga manggagawa ang napipilitang “lunukin” ang malaking patubo ng loan sharks, ayon sa CL.
Ayon pa sa pag-aaral, 60 porsyento ng mga empleyadong Pilipino ang umaasa sa kanilang
employer na tumulong sa kanila sakaling magkaroon nang problemang pinansyal.
Sinabi ni Jean Henri Lhuillier, pangulo at CEO ng CL na sila ay nakipag-partner sa kumpanyang
Advance sa paglulunsad ng isang plaform na makatutulong sa mga employer na makapagbigay ng
agarang tulong-pinansiyal sa kanilang empleyado, na walang anumang obligasyon sa kumpanya.
Ang Advance ay isang financial technology company na naka-base sa bansa na nagpapautang at
nagbibigay ng solusyong-pinansiyal sa mga nangangailangan nito.
Ayon pa kay Lhuillier, malaki daw ang maitutulong ng Advance sa mga maliliit na namumuhunan o
kumpanya.