33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Chiz suportado ang batas vs pang-aabuso ng airline companies

NAGING viral sa social media ang isang pasaherong papuntang Israel na na-offload o naiwan ng
eroplano dahil hinihingan ito ng immigration officer (IO) ng graduation yearbook, graduation
picture at iba pang walang kaugnayang requirements.


Mas na-bwisit ang netizens nang mapanood nila ang video ng isang Pilipina na palipad ng Taiwan
na naiwan ng eroplano, dahil hinihingan ito ng IO ng 10 birth certificates (ng 10 henerasyon ng
kanyang pamilya, paatras) para patunayan na kamag-anak niya ang nag-imbita.


Dahil dito, hinihiling ng mga mananakay sa eroplano na isama sa pagdinig ng Senado ang mga
kapalpakan ng BI staff, para mapanagot sila sa kanilang maling gawain na nakaka-perhuwisyo sa
mga mananakay ng eroplano.


Dahil sa dumaraming reklamo laban sa airlines, ipinahayag ni Senador Chiz Escudero ang suporta
sa isang panukalang batas na magbibigay proteksyon sa mga pasahero ng eroplano.

BASAHIN  “Laugh Philippines?”


Ayon kay Chiz, sinabi niya na napapanahon na para pag-aralan ng Senado ang Air Passenger Bill of Rights, isang panukalang batas na suportado ng Civil Aeronautics Board (CAB), sa isang pagdinig kamakailan.

Ang pagdinig ay pinangunahan nina Senador Nancy Binay ng Committee on Tourism
at ni Senador Grace Poe ng Committee on Public Services.


Sa pagdinig, sinabi ni CAB Executive Director Carmelo Arcilla ang parusa at multa sa mga paglabag sa Republic Act 776 o ang Civil Aeronautics Act of the Philippines ay hindi pa nababago sa loob ng 71 taon, kaya napapanahon na ang kinakailangang pagbabago.

BASAHIN  Sakit ngayong tag-init, paano iwasan?

Related Posts:

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA