PALALAKASIN ng digital financial platform ng PLDT na Maya ang kanilan presensya sa merkado sa
pamamagitan ng pagpapautang at paglalagak ng puhunan.
Kamakailan, inilunsad ng Maya ang bagong kampanyang My Money, My Bank, My Way, na
naglalayung dalhin ang digital banking sa bawat Pilipino para magkaroon sila ng pagkakataon na
ma-kontrol ang kanilang finances at para mas mapadali ang pagma-manage ng kanilang pera.
Ayon kay Shailesh Baidwan, Maya Group President, nagtitiwala raw ang mga Pilipino sa mga
bangko at gusto nila ang e-wallets dahil kumbinyente raw itong gamitin. Gamit ang all-in-one
digital banking app na kung saan ang mga tao ay makakaipon, makabibili, makakautang, at
makapaglalagak ng puhunan, sa madali at simpleng paraan lamang.
Ilan sa kakaibang innovations sa consumer savings account ng Maya ay, 1) Pwedeng makapag-
bukas ng account gamit lamang ang isang valid ID, 2) Mas mataas na taunang interes na 10
percent, at mas madali itong maabot kung palagi nilang gagamitin ang Maya wallet sa kanilang
pagbili at maging sa iba pang transaksyon.
Super dali! Maya ang kaunaunahang finance app na nag-aalok sa customers ng sarili nilang
@username, kaya mas madaling magpadala ng pera na parang nagta-tag lamang ng mga kaibigan sa TikTok o Instagram.
Umaabot sa 80 milyong establisyemento sa buong mundo ang tumatanggap sa Maya card.