33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

No garage, No Registration Act

IPINANUKALA ni Rep. Lord Allan Velasco na kailangang may sariling garahe ang bawat bibili ng
brand-new na kotse, sa Metro Manila at sa lahat ng urbanisadong lugar sa bansa.


Ito raw ay dahil sa lumalalang traffic congestion sa mga urbanisadong lugar sa bansa, na kung
minsan, nagiging ugat ng road rage.


Tinukoy ng House Bill No. 31 ang mga lungsod na patuloy na dumaranas nang sobrang trapik. Ito
ay ang Metro Manila, Angeles, Bacolod, Baguio, Batangas, Cagayan de Oro, Cebu, Dagupan,
Davao, Iloilo, Naga, at Olongapo.


Ayon kay Velasco, mas mabilis dumami ang mga sasakyan sa bansa kaysa paggawa ng mga
bagong kalsada, kaya nagiging paradahan na lamang kahit ang mga pangunahing kalsada na
nagreresulta sa matinding traffic congestion, lalo na kung rush hours.

BASAHIN  Hulihin, gumagamit ng kotseng may plakang ‘8’


Kapag naisabatas ang panukala, kailangang mag-execute ng affidavit bilang katibayan na ang
buyer tao man o kumpanya ay may sariling permanenteng garahe para sa kanyang sasakyan
bago siya makapagparehistro ng sasakyan. Kailangan ding ma-verify muna ng Land Transportation Office (LTO), kung totoo ang nilalaman ng affidavit bago mai-rehistro ang sasakyan.


Sinumang kawani ng LTO ang magrerehistro ng sasakyang may pekeng affidavit ay sususpindihin
sa loob ng tatlong buwan na walang suweldo, at iba pang angkop na parusa sa Civil Code, R.A.
6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Government Officials and Employees, at iba
pang angkop na batas.


Kapag napatunayang peke ang affidavit at walang garahe ang nagparehistro, hindi siya
makapagre-rehistro ng sasakyan sa loob ng tatlong taon at pagmumultahin ng P50,000 sa bawat
bilang ng paglabag.

BASAHIN  Gun permit ng maangas na driver na nanutok ng baril sa siklista, binawi ng PNP

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA