33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Mental hospital para sa mga guro?

TAHIMIK habang nagdurusa.
Ganito inilarawan ni Senador Mark Villar ang dinaranas ng maraming guro sa bansa dahil sa iba’t
ibang mga hamon na nagpapabigat sa buhay pati na sa kanilang trabaho.


Dahil dito, isinusulong niya ang Senate Bill No. 2258 na naglalayung tutukan ang kalusugang
mental at pisikal ng mga guro.


Nilalayon ng S.B. 2258 na pag-ibayuhin ng gobyerno ang pagsusulong at paghahatid ng mental
health services para sa mga guro. Hindi binanggit sa panukalang batas kung magtatayo ng mental
hospital para sa mga guro.


Idiniin ni Villar na kahit na itinuturing na mga bayani ang guro, biktima rin sila ng trauma, mental
at emosyonal na stress na inililihim nila sa kanilang sarili, maging sa pamilya. Nakaaapekto rin daw sa mga guro ang mabigat at mahabang oras ng trabaho, pati na ang sobrang laki ng bilang ng mga estudyante.

BASAHIN  COMELEC, nakatanggap na  ng inisyal na kopya ng mga lagda para sa People's Initiative


Ayon pa sa S.B. 2258 o ang The Teacher Mental Health and Wellness Act of 2023, ang kakulangan
ng tulong at suporta ng kapwa-guro at mga namumuno sa paaralan na bigyang-pansin ang mental health ng guro, ang lalong nagpapahirap sa kanila na humanap ng lunas para maibsan ang kanilang pagdurusa.


Kapag naisa-batas ito, aatasan ang Department of Education (DepEd), sa pakikipagtulungan ng
Department of Health (DoH) at Philippine Mental Health Association, na magtatag ng mga
programa para sa mga guro gaya ng: 1) Regular na mental health assessment, 2) Regular
counselling sessions na naka-tuon sa stress management, emotional stability, at coping
mechanism, at 3) Periodic seminars para bigyang-pansin ang mental health issues.


Ayon sa isang guro sa Lungsod Quezon, ang maliit na sweldo (kaysa mga sundalo’t pulis) ang isa
sa pangunahing dahilan ng chronic stress at problemang mental sa mga guro.

BASAHIN  HB 8264: Libreng dental services sa lahat ng mahihirap

Kung ito ay uunahing tugunan ng mga mambabatas, hindi na kailangang ang isang bagong batas para tuunan ang mental health ng mga guro, kailangang lamang na ipatupad ang mga nabanggit na programa.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA