33.4 C
Manila
Saturday, December 21, 2024

Lea Salonga nagtaray daw sa NY fans

VIRAL ngayon sa social media ang video ni Lea Salonga dahil diumano sa pagtataray nito sa ilang
Filipino fans na nais mag-selfie kasama siya.


Nag-aayos na palabas ng kanyang dressing room si Lea nang dumating ang grupo ng ilang Pilipino
na pumasok sa dressing room dahil nais nilang mag-selfie kasama ang Broadway star. Pero
magalang na tinanggihan ito ni Lea.


Kahit namimilit ang grupo, ipinaliwanag ni Lea na gagayahin ito ng maraming fans (kaya hindi
dapat). Pinaghintay na lang ng Disney princess ang grupo sa may pinto.


Ayon sa ilang netizens, hindi raw dapat tinarayan ni Lea ang fans at dapat, nagpa-unlak ito.
Umabot sa mahigit dalawang milyon ang post sa social media at marami ang nag-bash kay Lea.


Ayon sa Batang Maynila to its vlog, hindi raw dapat pinapasok sa may dressing room ang grupo
dahil “private space” ito ni Lea at dahil na rin sa seguridad nito. Una, hindi raw kilala ni Lea ang
mga ito at marami ngayong masasama at utak-kriminal na mga tao.

BASAHIN  ‘Laos’ na si Lea Salonga, nagka-Covid ulit


Nang natapos ang performance ni Lea, tila kinuyug ito ng parehong grupo sa stage para mag-
selfie, kinakailangang umakyat pa ang security para ayusin ang kumosyon.


Sinabi ng isa sa grupo na tila binastos daw sila ni Lea. Pero, sinagot ito ng isang netizen at sinabing “Ang grupong ito ay pawang gate-crashers na ilegal na pumasok sa pribadong lugar kaya sila ang bastos”.


Binaliktad ang mga negatibong bash ng isang security expert na nakausap ng Brabo News, sinabi
nito na bawal na bawal ang kahit sinong hindi kakilala ni Lea at wala sa guest list ang dapat
papasukin sa dressing room dahil sa isyung pangseguridad.

BASAHIN  Multa, sa halip na kulong sa libelo – Jinggoy

Kaya nga raw walang security doon dahil “very private” ang lugar. Idinagdag pa nito na dapat papanagutin ang staff na nagpapasok sa grupo.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA